^

Probinsiya

Kidnappers ng 2 Chinese traders humihingi ng P80 M ransom

-
Nagbanta ang grupo ng mga pinaghihinalaang big time kidnap-for-ransom (KFR) group na papatayin ang dalawang mayamang negosyanteng Chinese kapag di naibigay ng pamilya ang P80 milyong ransom demand na kanilang dinukot kamakailan sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa Pangasinan at La Union, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, P30 milyon ransom ang hinihingi ng mga kidnappers para palayain ang negosyanteng si Charlie Ngo, 52, may-ari ng Star Plaza Hotel at residente ng Dior Subdivision, Dagupan City.

Napag-alaman na si Ngo ay hindi na nakauwi ng bahay noong gabi ng Set. 26 at ng sumunod pang mga araw ay isang caller na nagpakilalang kidnapper ang tumawag sa misis at anak nitong lalaki at ipinabatid na dinukot ng kanilang grupo ang biktima.

Kaugnay nito, narekober na rin ng mga awtoridad ang sasakyan ni Ngo sa kahabaan ng national highway ng Moncada, Tarlac.

Samantala, P50 milyon ang demand ng mga kidnappers para palayain ang isa pang negosyante na si Lacqui Rowena Tiu, 28, na kinidnap naman ng tatlong armadong kidnappers noong Set. 27 sa Brgy. Lingsat, San Fernando City.

Sa isinagawang follow-up operations, lumilitaw sa imbestigasyon na ang negosyador ay isang purong Chinese na mahusay magsalita ng Fookien kung saan apat na beses umano itong tumawag sa pamilya Tiu. (Ulat ni Joy Cantos)

CHARLIE NGO

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DAGUPAN CITY

DIOR SUBDIVISION

JOY CANTOS

LA UNION

LACQUI ROWENA TIU

NGO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with