4 kidnapers patay sa engkuwentro
October 3, 2001 | 12:00am
Apat na pinaniniwalaang miyembro ng kidnapping at drug syndicates ang napaslang sa mainitang pakikipag-engkuwentro sa tumutugis na mga operatiba ng militar sa Lanao del Sur kamakalawa.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Jose Mabanta, ang apat na nasawing suspek ay mga dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nakipagkasundo sa pamamagitan ng paglagda sa peace agreement sa pamahalaan noong 1996.
Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng mga nasawing suspek.
Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Army Chief Lt. Gen. Jaime de los Santos, ang apat na notoryus na mga kriminal ay napatay matapos ang may 30 minutong pakikipagsagupa sa mga elemento ng Armys 58th Infantry Battalion (IB) na nagsimula dakong alas-9 ng umaga.
Sinabi ni Mabanta na kasalukuyang sinusuyod ng tropa ng mga sundalo sa pamumuno ni Major Danilo Espero ang magubat na bisinidad ng Brgy. Old Magampang, Kapai, Lanao del Sur ng makaengkuwentro ang tinatayang 15 miyembro ng sindikato.
Ang mga suspek ay pinamumunuan ng isang kinilala sa pangalang Commander Maur Cidic na mabilis na umatras sa sagupaan matapos masawi ang apat sa kanilang mga kasamahan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest