^

Probinsiya

3 navymen grabe sa rambol

-
LUCENA CITY – Tatlong miyembro ng Philippine Navy (PN) ang malubhang nasugatan matapos na ang mga ito ay pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan na kanilang sinita dahil sa pagdadala ng baril sa loob ng bagong tayong beerhouse sa Barangay Talao-Talao sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Supt. Danny Ramon Siongco, chief of police sa lungsod na ito ang mga biktima na sina S2RM Randy Duke, S2HM Timoteo Abarosso at SN1 Dennis Blesa na pawang nakatalaga sa Navy Ship PS 19 sa nasabing barangay.

Ang mga ito ay kasalukuyang ginagamot sa Quezon Memorial Hospital dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nadakip naman agad ng mga nagrespondeng kagawad ng pulisya at CIDG ang mga suspek na sina Oliver Laura, Michael Mendoza, 27; Noel Minor, 34; Rudy Rivera, 20 at Randy Naval na pawang mga residente ng Barangay Dalahican.

Sa isinagawang imbestigasyon nina SPO4 Fernando Reyes III at SPO1 Renato Pelohello, officers on case, dakong alas-2 ng madaling araw ay tinungo ng mga biktima kasama ang kanilang opisyal na si Lt. Marco Ancheta ang bagong gawang beerhouse upang maghapi-hapi.

Habang nasa loob ng beerhouse ay napuna ng isa sa mga biktima ang baril na nakabukol sa beywang ng isa sa mga suspek na noon ay nag-iinom rin sa nasabing beerhouse.

Sinita umano ng mga navy men ang grupo ng mga suspek subalit imbes na ibigay ang baril ay sinuntok pa umano ng mga ito ang grupo ng una hanggang sa magkaroon ng labu-labo sa pananaksak sa mga biktima. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY DALAHICAN

BARANGAY TALAO-TALAO

DANNY RAMON SIONGCO

DENNIS BLESA

FERNANDO REYES

MARCO ANCHETA

MICHAEL MENDOZA

NAVY SHIP

NOEL MINOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with