1 patay, 17 sugatan sa vehicular accident
September 29, 2001 | 12:00am
ATIMONAN, Quezon Isang driver ang namatay habang 17 iba pa ang malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang pampasaherong bus sa nakasalubong na truck sa kahabaan ng Maharlika highway sa bayang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Supt. Eduardo Samoco, chief of police sa bayang ito ang biktima na si Oscar Froyalde 53, may-asawa at residente ng Camarines Sur.
Kasalukuyan namang ginagamot sa magkakahiwalay na ospital ang tatlong pahinante na minamaneho ng nasawing biktima na sina Rodolfo Samang, 46, Wilmar Valencia at Elizaldy Bayola ng Naga City.
Ang labing-apat na pasahero ng P and P passenger bus na pawang nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang nilalapatan ng lunas sa mga ospital sa bayang ito.
Sinasabi sa ulat na dakong alas-5 ng umaga ay tinatahak ng P and P bus liner na minamaneho ni Ruben Capistrano ang nasabing kalye patungong Metro Manila.
Nag-overtake umano ang bus sa isang sasakyan subalit hindi napuna ng driver nito ang kasalubong na truck kung kaya naganap ang head on collision. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended