^

Probinsiya

8 kidnaper hinatulan ng habambuhay

-
MALOLOS, Bulacan – Habambuhay na pagkabilanggo ang iginawad na parusa ng Korte para sa walong akusadong lalaki na napatunayang responsable sa nabigong pagdukot at pagpatay sa anak ng isang negosyanteng-Intsik sa lalawigang ito, samantalang isa naman ang pinawalang-sala.

Batay sa desisyon ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos, RTC Branch 78, ang mga napatunayang ‘‘guilty beyond reasonable doubt’’ sa kasong kidnapping with murder ay nakilalang sina Danilo Reyes, Nelson Go. Teodoro Doble, Rodolfo dela Paz, Pablo Añora Jr., Armando Pablo, Diosdado Avila at Josefino Galve, samantalang si Eraño Pablo ay pinawalang-sala dahilan sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban dito.

Ayon sa record ng korte, noong nakalipas na Marso 1, 1997, bandang alas-3 ng hapon, hinarang ng mga akusado na lulan ng isang sasakyan ang kotse ng biktimang si Gordon Tan, 21 anyos, binata, at anak ng may-ari ng isang footwear factory, habang ito ay papalabas ng kanilang pabrika sa Guiguinto, Bulacan.

Plano ng mga akusado na kidnapin at ipatubos ng malaking halaga – ang biktima, subalit nanlaban at nakatakas ito kaya ito ay binaril at napatay ng mga akusado.

Bukod sa parusang habambuhay na pagkabilanggo, idinagdag din ng korte ang 6 hanggang 10 taong pagkakakulong para naman sa kasong kidnapping, at pinagbabayad din ang mga akusado ng halagang P50,000 para sa naging kamatayan ng biktima at P50,000 naman para sa mga nagastos ng pamilya sa pagdinig ng kaso. (Ulat ni Efren Alcantara)

ARMANDO PABLO

BULACAN

DANILO REYES

DIOSDADO AVILA

EFREN ALCANTARA

GORDON TAN

JOSEFINO GALVE

JUDGE GREGORIO SAMPAGA

NELSON GO

PABLO A

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with