Ginang ginilitan ng magnanakaw
September 29, 2001 | 12:00am
Brutal na pinaslang matapos pagnakawan ang isang ginang matapos na gilitan ng leeg ng hindi pa nakikilalang mga armadong suspek na nanloob sa tahanan nito kamakalawa ng gabi sa Davao del Norte.
Si Esmeralda Zurita, may sapat na gulang ay natagpuan ng kanyang anak na si Michael na duguan at tadtad ng mga saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan partikular na ang maraming gilit ng patalim sa leeg nito sa loob mismo ng kanilang tahanan dakong alas-7:30 kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat kahapon ng Camp Crame, pinaniniwalang naganap ang krimen sa pagitan ng alas-5 hanggang alas-7 ng gabi sa tahanan ng biktima sa highway 54, Visayan Village, Tagum City.
Sinira umano ng mga suspek ang kisame ng bahay ng biktima at tinangay ang isang tape recorder at isang malaking jewelry box na pag-aari ng ginang.
Hinihinalang nanlaban pa ang biktima kung kaya napilitan ang mga suspek na patayin ito sa pamamagitan ng ilang beses na pagsaksak dito.
Nang oras na nabanggit ay nag-iisa lamang ang ginang sa kanyang tahanan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended