Bungangerang misis, tinodas ni mister
September 28, 2001 | 12:00am
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Isang bungangerang misis ang iniulat na binaril at napatay ng kanyang sariling mister makaraang hindi makayanan ng huli ang ginagawang pagtatalak ng una kamakalawa ng hapon sa kanilang bahay sa Sitio Sapang Lamig, Brgy. Minuyan, Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elma Magbalot, 32. Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Joey Magbalot, 35, kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Nabatid sa ulat ni P/Supt. Rolando Macusi, hepe ng pulisya ng bayang ito, naganap ang krimen bandang alas-5:45 ng hapon sa loob ng bahay ng mag-asawa sa naturang lugar.
Lumalabas sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay ng mag-asawa na malimit mag-away ang dalawa sa hindi mabatid na dahilan.
Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan sa pambababae ng suspek ang motibo ng krimen o kayay problemang pananalapi ang ugat ng pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended