Sa 12-pahinang reklamo ni Salvador sa Office of the Court Administrator, inakusahan niya si RTC Judge Victoria Pornillos ng Branch 10 sa Malolos nang lantarang pagkatig sa kanyang katunggali ng nakaraang eleksyon.
Ayon kay Atty. Isagani Ramos, abogado ni Salvador, lantarang pinaboran ni Pornillos ang electoral protest na isinampa ni mayoral candidate Romeo Estrella laban sa kanyang kliyente matapos itong matalo nitong nakaraang halalan.
Pinalsipika umano ang minutes of attendance sheet ng court hearing upang bigyang-daan ang pagbibilang ng boto na hindi naman nila sinasang-ayunan.
"Nagtataka kami kung paanong nagkaroon ng remarks ang minutes ng hearing na hindi naman namin pinipirmahan," ayon pa kay Atty. Ramos.
Ayon naman kay Pornillos, hindi pa siya makapagbibigay ng kanyang panig dahil hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng kasong isinampa laban sa kanya. (Ulat ni Efren Alcantara)