^

Probinsiya

Huwes ipinasususpinde ng mayor sa SC

-
Hiniling kahapon ni Baliuag Mayor Rolando Salvador sa Korte Suprema ang pagsususpinde sa isang huwes sa Bulacan upang hindi ito makaimpluwensiya matapos niya itong sampahan ng kasong serious misconduct at gross ignorance of Rules of Court noong Lunes.

Sa 12-pahinang reklamo ni Salvador sa Office of the Court Administrator, inakusahan niya si RTC Judge Victoria Pornillos ng Branch 10 sa Malolos nang lantarang pagkatig sa kanyang katunggali ng nakaraang eleksyon.

Ayon kay Atty. Isagani Ramos, abogado ni Salvador, lantarang pinaboran ni Pornillos ang electoral protest na isinampa ni mayoral candidate Romeo Estrella laban sa kanyang kliyente matapos itong matalo nitong nakaraang halalan.

Pinalsipika umano ang minutes of attendance sheet ng court hearing upang bigyang-daan ang pagbibilang ng boto na hindi naman nila sinasang-ayunan.

"Nagtataka kami kung paanong nagkaroon ng ‘remarks’ ang minutes ng hearing na hindi naman namin pinipirmahan," ayon pa kay Atty. Ramos.

Ayon naman kay Pornillos, hindi pa siya makapagbibigay ng kanyang panig dahil hindi pa siya nakakatanggap ng kopya ng kasong isinampa laban sa kanya. (Ulat ni Efren Alcantara)

AYON

BALIUAG MAYOR ROLANDO SALVADOR

BULACAN

EFREN ALCANTARA

ISAGANI RAMOS

JUDGE VICTORIA PORNILLOS

KORTE SUPREMA

OFFICE OF THE COURT ADMINISTRATOR

PORNILLOS

ROMEO ESTRELLA

RULES OF COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with