Bukod sa pagkakasabat ng nabanggit na troso ay dinakip din ng mga awtoridad ang may labingdalawa katao na nakilalang sina Mario Gregorio, Simeon Abes, Roy Padolina, Anthony Abesamis, Jayon Gutierrez, Raymund Sanchez, Albert Factor, Alfredo Busalpa, Johnny Caviltes, Gregorio Abello, Ramil Fajardo at Alvin Vasco na pawang mga residente ng General Tinio, Nueva Ecija.
Nakipagtulungan din sa operasyon ang tropa ng Phil. Armys 1st Scout Ranger na nakabase sa Camp Tecson sa San Miguel, Bulacan.
Sinabi ni Rolando Suetos, opisyal ng Southern Nueva Ecija Community Environmental and Natural Resources na ang mga nakumpiskang ibat ibang uri ng troso na illegal na pinutol ay mula pa sa Sitio Madlum, Brgy. Kalawakan at Doña Remedios Trinidad, Bulacan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)