Kinilala ng pulisya ang biktima na si Susana Esguerra, empleyada ng EMI Yazaki na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu at residente ng nabanggit na lugar.
Natagpuan ng pulisya ang bangkay ng biktima dakong alas-11 ng umaga na nakalutang sa ilog ng nabanggit na barangay.
May palatandaan na nanlaban ang biktima sa mga rapist dahil sa bukas ang siper ng pantalon nito, basag ang mukha at maraming galos sa ibat ibang katawan.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na nagpaalam sa ina na papasok na sa trabaho subalit hindi na ito nakauwi pa.
May palagay ang pulisya na inabangan at pinaunlakan ng biktima ang paanyaya ng mga suspek dahil sa kakilala.
Subalit lingid sa kaalaman nito ay may balak na masama at ng hindi makuha ang pagkadalaga ng biktima ay tinuluyan na itong patayin.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)