^

Probinsiya

Illegal logger tinodas ng mga rebelde

-
Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang pinaghihinalaang illegal logger habang masuwerte namang nakatakas ang iba pa nitong kasamahan matapos na maaktuhang namumutol ng punongkahoy sa gubat na lugar ng Brgy. Dayap, Sta. Cruz, Occidental Mindoro, ayon sa ulat kahapon.

Nabistay ng bala at namatay noon din ang biktimang kinilalang si Roy Guarin, 27.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-2 ng hapon nang maganap ang insidente sa Sitio Kuwarenta, Brgy. Dayap sa bayan ng Sta. Cruz.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kasalukuyang namumutol ng punongkahoy ang biktima kasama sina Rolly Regalado, Berting Vergara at Boy Vergara, pawang residente ng nasabing lugar.

Limang armadong kalalakihan ang bigla na lamang umanong sumulpot at pinagbabaril ang mga biktima.

Napuruhan si Guarin sa nasabing insidente habang mabilis namang nakatak-bo ang tatlo pa nitong kasamahan upang iligtas ang kanilang mga sarili. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BERTING VERGARA

BOY VERGARA

BRGY

CAMP CRAME

CRUZ

DAYAP

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

OCCIDENTAL MINDORO

ROLLY REGALADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with