P2M ari-arian naabo sa panununog ng NPA

Tinatayang umaabot sa halagang P2 milyon ari-arian ang naabo matapos sunugin ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang mamahaling sasakyang gamit sa konstruksiyon sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa lalawigan ng Davao del Norte at Zamboanga, Sibuguey kamakalawa.

Agad na tinungo ng mga rebelde ang compound ni P/Supt. Alquizar ng Narcotics Command at sinunog ang bulldozer ng nasabing opisyal.

Sa isa pang insidenteng iniulat naman ng Camp Aguinaldo, ang pagsalakay ng isang grupo ng mga rebeldeng komunista sa compound ng isang negosyante sa Brgy. Tigpalay, Tungawan, Zamboanga Sibuguey, Province.

Dakong alas-10 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga rebelde at sunugin ang isang dump truck na tinatayang nagkakahalaga rin ng mahigit P1M.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ang panununog ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments