Bus nahulog sa bangin: 7 patay
September 25, 2001 | 12:00am
KAYAPA, Nueva Vizcaya Pito katao ang iniulat na nasawi makaraang mahulog sa malalim na bangin ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima kamakalawa ng gabi sa Brgy. Castillo ng nabanggit na lugar.
Nabatid sa ulat ni P/Insp. Jamison, hepe ng Kayapa police station, anim sa pitong nasawing biktima ay kinilalang sina Romy Culas, 34; Wilfred Anapi, Ambot Ivan, Wilfred Ketano, Singo Ventura at Fermin Adais na pawang residente ng Brgy. Gurel, Bukod, Benguet.
Samantala, isa sa pasahero na nakilala sa alyas na Pinaw-an ay ginagamot ngayon sa Veterans Regional Hospital sa Bayombong ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Alberto Aliaga, naganap ang aksidente dakong alas-7 ng gabi makaraang mawalan ng preno ang minamanehong bus ni Ventura sa kahabaan ng nabanggit na lugar.
Napag-alaman pa na ang Norton bus na lulan ng mga biktimang empleya- do rin ay pag-aari ni Anthony Mendoza ng Brgy. Pampang, Kayapa, Nueva Vizcaya.
Dahil sa bilis at pakurbada ang tinatahak ng bus na may plakang AYC-151 ay hindi na nito makuhang iwasan pa na mahulog sa bangin na may 200 metro ang lalim. (Ulat ni Joe Dasig, Jr.)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended