3 pulis naaresto sa pagnanakaw ng gasolina
September 23, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tatlong miyembro ng pulisya na nakatalaga sa 308th Provincial Mobile Group (PMG) sa Nueva Ecija ang posibleng masibak sa tungkulin matapos na madakip sa isinagawang entrapment operation dahil sa pagnanakaw ng ilang drum ng gasolina sa isang malaking planta ng irigasyon sa Barangay Villa Rica, Pantabangan, Nueva Ecija, kamakalawa.
Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, hepe ng Central Luzon-PNP, kinilala ang mga nadakip na pulis na sina SPO1 Virgilio Ramos, PO3 Ronnie Vicente at PO2 Edmar Diasen, kapwa nakatalaga sa 308th PMG na nakabase sa San Jose sa nasabing lalawigan.
Ang mga suspect ay dinakip sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Nueva Ecija Police Office (NEPO) at kapwa naaktuhan ang mga ito na nagkakarga sa kanilang ginamit na military vehicle ng siyam na drum na puno ng gasolina na pag-aari ng Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project (CMPIPP) sa Barangay Villa Rica.
Ang mga nadakip na pulis ay pormal na itinurn-over kay Chief Insp. Peter Giubong, hepe ng 308th MPG at ngayon ay kapwa na releave sa kanilang mga tungkulin kasabay na isinasailalim sa isang masusing imbestigasyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended