Rapist na ama hinatulang mabitay
September 23, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang inihatol ng isang Huwes ng Antipolo Regional Trial Court (RTC), sa isang ama na napatunayang gumahasa sa sariling 3-anyos na anak na babae noong 1997.
Pinagbabayad rin ni Judge Rivera ng Branch 73 ng halagang P50,000 bilang danyos ang akusadong si Bobby Orense, ng FEU Village, Brgy. Mambugan, Antipolo.
Batay sa 8 pahinang desisyon ni Judge Rivera, walang dudang napatunayang nagkasala si Orense sa kasong statutory rape sa kanyang anak na itinago sa pangalang Nina.
Sa rekord ng Korte, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon noong Marso 2, 1997 sa loob ng kanilang bahay. Mag-isang naiwan umano sa pangangalaga ni Orense ang anak na siya nitong sinamantala.
Ibinasura naman ng Korte ang alibi ng suspek na wala siya sa bahay ng araw ng insidente bagkus siya ay nasa bahay ng kanyang ama sa Blumentritt.
Sinabi ni Judge Rivera na walang ina ang maglalagay sa sarili at sa anak sa kahihiyan kung hindi totoo ang naganap na krimen. Binigyang saysay rin nito ang malinaw na testimonya sa Korte. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest