Lider ng Bayan Muna patay sa ambus
September 23, 2001 | 12:00am
SAN MIGUEL, Bulacan Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang lider ng grupong Bayan Muna ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo sa Barangay Tartaro ng bayang ito noong nakaraang Huwebes.
Si Wilfredo Mananghaya, 42, ng Brgy. Sibul ay sakay ng kanyang motorsiklo papauwi mula sa palengke ng San Miguel nang tambangan ng mga armadong kalalakihan.
Nagawa pa umanong patakbuhin ni Mananghaya ang minamanehong motorsiklo subalit pinaputukan ulit ang biktima ng ilang beses na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ayon sa pulisya, tumangging magbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima sa takot na resbakan ng mga armadong kalalakihan.
Napag-alaman pa sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng biktima na pinagsabihan na umano nila si Mananghaya na may mga hindi kilalang armadong kalalakihan na nagsasagawa ng pagtitiktik sa kanya subalit hindi nito inalintana.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Mananghaya na isang brgy. kagawad ay patuloy na sumasalungat laban sa illegal quarrying at illegal logging sa kanilang bayan.
May palagay ang pulisya na nasa likod ng pamamaslang sa biktima ay ang mga operators ng illegal logging at quarrying sa naturang bayan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest