Empleyado tinodas ng kasamahan

GENERAL TRIAS, Cavite – Dahil sa nagkapikunan ay sinaksak ang isang 46 anyos na empleyado ng Intel Phil. makaraang saksakin ng kapwa empleyado sa Barangay Biclatan ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na namatay habang ginagamot sa pagamutan dahil sa isang malalim na saksak ng patalim sa dibdib ay nakilalang si Danilo Balaperos, may asawa at residente ng Phase 1 Blk. 36 Lot 32 Brgy. Dagat-Dagatan, Navotas, Metro Manila.

Samantala, ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Bonifacio Calayod, 32, co-employee ng biktima at residente ng Phase 1 Blk.1 Lot 4 ng nabanggit ding lugar.

Ang dalawa ay kapwa stay-in workers ng naturang kompanya at malimit magkasama sa inuman tuwing matatapos ang kanilang trabaho.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling araw makaraang harangin at undayan ng saksak ng suspek ang biktima habang ito ay naglalakad. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments