Dating miyembro ng CIDG dinukot saka pinatay
September 21, 2001 | 12:00am
STO. DOMINGO, Albay Isang dating miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang iniulat na dinukot saka pinatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan kamakalawa ng hapon habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng sariling bahay sa Purok 1 Brgy Lidong ng bayang ito.
Ang bangkay ng biktima na may palatandaan na pinahirapan muna bago pinatay ay kinilalang si Julian Jeremias, 48, may asawa ng PNR Site, Daraga, Albay.
Nakuha sa wallet ng biktima ang isang subpoena na may kasong grave threat at extortion na pinalalagay ng pulisya na sinibak sa tungkulin si Jeremias dahil sa nabanggit na mga kaso.
Ayon sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima ng kanyang mga kapitbahay dakong alas-12:30 ng hapon na nakatayo sa harapan ng kanilang bahay.
Napag-alaman pa sa imbestigasyon, na may pumaradang isang tricycle na lulan ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan sa harapan ng bahay ng biktima bago ito pinasakay.
Natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima dakong ala-1:40 ng hapon. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended