4 anak hinalay ng ama
September 19, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Sumobra sa pagkahilig sa laman ang isang 45-anyos na ama na hindi nakuntento sa kanyang asawa ay winasak pa ang puri ng kanyang apat na anak sa loob ng kanilang bahay, sa lungsod na ito.
Inaresto ng pulisya bunsod ng reklamo ng kanyang panganay na anak dakong alas-11 ng umaga kahapon ang suspek na si Marcelo Prando, obrero, at residente ng Block 9 Lot 69 Phase 1, Brgy. San Isidro.
Sa ulat ng pulisya, nagtungo sa Antipolo PNP ang panganay na anak ng suspek na si Digna (di-tunay na pangalan), 18, matapos na bugbugin bago siya gahasain ng ama kamakalawa ng gabi.
Nagkalakas-loob umano siyang magsuplong sa awtoridad nang magsabi siya sa kanyang mga nakakabatang kapatid na may edad 16, 14 at 12 na pawang nagtapat sa kanya na sila man ay ginagahasa rin ng ama tuwing wala ang kanilang ina.
Hindi umano sila makapagtapat sa kanilang ina dahil sa pananakot ng ama na papatayin silang lahat kapag ginawa nila ito. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended