P.4-M naholdap sa turistang Hapones
September 18, 2001 | 12:00am
BUTUAN, Masbate Aabot sa halagang P.4 milyon pera at mamahaling alahas ang naholdap sa isang turistang Hapones ng limang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay bumisita sa kaibigan nito sa Barangay Canares kahapon ng madaling araw.
Ang biktima na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Osaki Masaro, 48, samantala ang kaibigan naman ng biktima ay kinilalang si Jose Lusano ng nabanggit na barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang bahay ni Lusano na kasalukuyang tinuluyan ng biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw at nagdeklara ng holdap.
Walang nagawa ang biktima kundi ibigay lahat ang suot na mamahaling alahas, pasaporte at cash money dahil tinutukan na sila ng baril ng mga suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended