^

Probinsiya

17 kababaihan nasagip sa kasa

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Labimpitong mga kabataang kababaihan na pawang mga nasa edad 17 pababa ang nasagip ng pulisya sa isang pinaghihinalaang prostitution den sa isinagawang pagsalakay sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Angeles City Police Office (ACPO), dakong alas-9:30 ng gabi ng salakayin ng pulisya ang "Area" kung saan dito nasagip ang mga kababaihan na sinasabing nagmula pa sa Metro Manila at ni-recruit ng isang nagngangalang "Rose" na magtrabaho bilang maid sa naturang lugar.

Ayon sa mga pahayag ng mga biktima, kinuha sila ng naturang suspek sa Manila at pinangakuang mamamasukan bilang mga katulong, subalit sila umano ay dinala ng suspek sa isang prostitution den na tinatawag na "Area" at doon umano sila pinilit na makipag-sex sa mga customers.

Ayon naman kay Supt. Arturo Cacdac, Officer-in-Charge ng Angeles City Police Office, ang isinagawang pagsalakay sa naturang den ay alinsunod sa mga konsernadong residente sa nabanggit na lungsod na tumawag sa telepono ng kanilang tanggapan at dito ay kinokondena nila ang malalaswang gawain sa naturang prostitution den. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE OFFICE

ARTURO CACDAC

AYON

JEFF TOMBADO

LABIMPITONG

METRO MANILA

OFFICER-IN-CHARGE

PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with