15 anyos ginahasa muna bago pinatay
September 15, 2001 | 12:00am
PATNANUNGAN, Quezon Pinaniniwalaang ginahasa muna saka pinatay ang isang 15 anyos na dalagita na ang bangkay ay natagpuang lumulutang at naaagnas na sa magubat na lawa malapit sa dalampasigan ng Sitio Cabangan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Sa ulat na tinanggap ni Quezon PNP director Supt. Roberto Rosales,nakilala ang biktimang si Marilou Inescillado, at residente ng naturang lugar.
Ang bangkay ay natagpuan dakong ala-1 ng hapon matapos na ito ay nawala ng walong araw.
May dalawang tama ng saksak sa tiyan ang naaagnas na bangkay ng biktima at nakatali ng baging ang bibig nito at walang saplot ang pang-ibaba na palantandaang ginahasa ng di pa nakikilalang mga salarin.
Lumalabas sa imbestigasyon na noong Setyembre 4, taong kasalukuyan ay nagpaalam ang biktima na mangunguha lamang ng mga dahon ng litlit na ginagamit bilang nganga ng kanyang lolo at simula noon ay hindi na ito nakauwi.
Kasalukuyang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga salarin. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended