^

Probinsiya

Compound ng gobernador pinaulanan ng mortar

-
Niyanig ng sunud-sunod na pagsabog ang compound ng tahanan ni Maguindanao Governor Andal Ampatuan matapos puntiryahin ng sunud-sunod na pagpapaulan ng mortar ng mga pinaghihinalaang miyembro ng separatistang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Shariff Aguak, Maguindanao, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-3:20 ng hapon ng gulantangin na lamang ang mga kasambahay ni Ampatuan ng malalakas na pagsabog sa paligid ng compound ng tahanan ng gobernador.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng 57th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Depayso na ineeskortan ng dalawang armor vehicle nang marinig ang malakas na pagsabog.

Sa puntong ito’y nahinto naman ang pagpapakawala ng mortar ng mga suspek.

Base sa imbestigasyon, ang pinakawalang mortar na bumagsak may 70 metro ang layo sa tahanan ng gobernador ay nagmula sa kanlurang bulubundukin ng Brgy. Limpongo.

Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa insidente subali’t ang pangyayari ay lumikha ng matinding tensiyon sa mga supporters ni Ampatuan hinggil sa maaari pang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng MILF.

Bunga nito, nagpakalat ng karagdagang puwersa ang tropa ng militar sa bisinidad ng Limpongo at Hill 150 upang mapigilan ang posible pang mga pag-atake ng grupo ng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AMPATUAN

BRGY

CAMP AGUINALDO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

LIMPONGO

MAGUINDANAO GOVERNOR ANDAL AMPATUAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHARIFF AGUAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with