Estudyante na iniwan ng syota, nagbigti

NOVELETA, Cavite – Isang 18-anyos na college student na pinaniniwalaang iniwan ng syota ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. San Rafael 2 ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Guiller Gardose ng naturang lugar.

Natagpuan ang bangkay ng biktima dakong ala-1 ng hapon matapos na makipag-usap umano ito sa kanyang syota sa pamamagitan ng telepono.

May teorya ang pulisya na masyadong dinamdam ng lalaki ang paghihiwalay nila ng kanyang syota kaya nagpasyang mag-suicide. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments