Preso pumuga dahil pinayagang umuwi

CAMP NAKAR, Lucena City – Isang preso mula sa Nakar PNP municipal jail na may kasong 2 counts ng rape ang tumakas makaraang payagang umuwi ng walang escort ng isang miyembro ng pulisya, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Nakar, Quezon.

Ang preso na hindi na bumalik ay nakilalang si Nicanor Remolona, 31, may asawa, tubong Mauban, Quezon.

Samantala, ang pulis na pagpahintulot sa naturang preso ay nalalagay sa balag ng alanganin at posibleng masibak sa tungkulin ay kinilalang si PO3 Romeo Rogado.

Batay sa ulat ng pulisya, nagpaalam umano ang preso na pansamantalang uuwi kay Rogado kaya pinayagan naman ito dahil sa tiwalang babalik subalit may ilang oras na ang nakalilipas ay hindi na ito bumalik. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments