^

Probinsiya

Magkaibigan sinaksak dahil sa utang

-
DASMARIÑAS, Cavite – Isang -31-anyos na babae ang kumpirmadong nasawi habang malubhang nasugatan naman ang kaibigan nitong lalaki makaraang pagsasaksakin ng isang welder dahil sa pagtanggi ng mga biktimang magbayad ng utang kamakalawa ng hapon sa Brgy. Salawag ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Melody Barillos, may asawa habang ang malubhang nasugatan naman ay nakilalang si Bernardo Balsomo, 38, may asawa na kapwa residente ng Blk. 8 Lot 12 Armstrong Village ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na ngayon ay nakapiit sa municipal detention cell ay nakilalang si Pablo Rada, 47, may asawa ng Block 3 Lot 1 Omans St., Zone 1, San Marino City Subd. ng nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong ala-1:30 ng hapon habang ang dalawa ay nasa bahay ng nasawing biktima.

Habang nagkukuwentuhan ang dalawang biktima ay dumating ang suspek at naniningil ng pautang na dolyar subalit walang maibayad si Barillos.

Ayon pa sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng biktima, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magbunot ng patalim ang suspek at undayan ng saksak sa katawan na ikinasawi nito.

Tangkang aawatin sana ni Balsomo ang suspek sa ginawang pananaksak subalit inundayan din ito ng saksak. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

ARMSTRONG VILLAGE

AYON

BALSOMO

BERNARDO BALSOMO

CRISTINA GO-TIMBANG

MADING SARMIENTO

MELODY BARILLOS

OMANS ST.

PABLO RADA

SAN MARINO CITY SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with