Libu-libong katao mula sa 24 bayan ang lumahok sa ginanap na parada na kinabibilangan ng mga manggagawa, mag-aaral at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng ibat ibang munisipyo sa Bulacan.
Naging panauhing pandangal naman si Bulacan Gob. Josie dela Cruz at mga opisyal mula sa ibat ibang tanggapan ng gobyerno.
Kabilang sa okasyong ginanap ay ang pagbubukas ng Agri-Aqua trade fair na inihandog sa "Araw ng Magsasaka at Mangingisda"; mga alay-lakad; balagtasan, pagbibigay ng award sa mga napiling Bulakenya; at ang pagkakaloob ng "Gawad Dangal Lipi.
Bubuksan din sa madla ang mga exhibit na ginawa ng mga residente ng Bulacan na naging tanyag na katulad nina Amado Hernandez at Atang dela Rama sa larangan ng pag-arte noong unang dekada.
Ang naturang okasyon ay tatagal ng anim na araw simula kahapon at magtatapos sa temang "Pangkabuhayang Lakas ng bawat Bulakenyo, Kaagapay sa Pagsulong ng Lahing Pilipino". (Ulat ni Efren Alcantara)