P5M ari-arian ang naging abo
September 10, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa P5 milyong ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang isang bahay saka nadamay ang bagong tayong palengke at simbahan kahapon ng madaling araw sa Montalban, Rizal.
Base sa ulat ng Montalban fire station, lumalabas na nag- simula ang sunog bandang alas-2:40 ng madaling araw sa bahay na pag-aari ng isang nagngangalang Maria Cruz, 40, na matatagpuan sa Emmanuel St., Barangay San Jose ng bayang ito.
Dahil na rin sa kalumaan ng bahay ay mabilis na tinupok ito ng apoy hanggang sa kumalat sa mga bagong tayong market stalls at simbahan ng nabanggit na lugar.
Naapula naman ang sunog dakong alas 3:30 ng madaling araw at walang naiulat na nasugatan o nasawi sa naganap na pangyayari. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended