Napag-alaman kay Barangay Chairman Roy Chua na ang 500 pirasong bomba ay bahagi ng 247 artillary shells ang nahuhukay na ng mga awtoridad may ilang buwan na ang nakaraan sa nabanggit din lugar.
Sa pagkakadiskubre ng naturang bomba ay napilitan ang pamunuan ng pulisya na mag-hire ng 10 kataong eksperto sa paghuhukay ng bomba mula sa Cariaga, Leyte.
Nabatid pa kay Chua, ang bagong diskubreng vintage bombs ay kusang inilagay ng mga sundalo nooong panahon ng giyera sa ilalim ng punong niyog upang hindi madiskubre ng mga sundalong Hapones.
May teorya naman ang mga opisyal ng EOD na may nalalabi pang mga sinaunang bomba na hindi pa nadidiskubre sa nabanggit na brgy. na posibleng malagay sa panganib ang mga residente kapag ito ay sumabog. (Ulat ni Melchor Caspe)