^

Probinsiya

500 sinaunang bomba nahukay

-
TACLOBAN CITY – May 500 pirasong sinaunang bomba ang nadiskubre at nahukay ng mga miyembro ng PNP Explosive Ordinance Disposal Unit (EOD) sa isang compound na pag-aari ng isang retiradong colonel ng Phil. Army sa Barangay 64, Bliss Sagkahan, kamakalawa ng umaga.

Napag-alaman kay Barangay Chairman Roy Chua na ang 500 pirasong bomba ay bahagi ng 247 artillary shells ang nahuhukay na ng mga awtoridad may ilang buwan na ang nakaraan sa nabanggit din lugar.

Sa pagkakadiskubre ng naturang bomba ay napilitan ang pamunuan ng pulisya na mag-hire ng 10 kataong eksperto sa paghuhukay ng bomba mula sa Cariaga, Leyte.

Nabatid pa kay Chua, ang bagong diskubreng vintage bombs ay kusang inilagay ng mga sundalo nooong panahon ng giyera sa ilalim ng punong niyog upang hindi madiskubre ng mga sundalong Hapones.

May teorya naman ang mga opisyal ng EOD na may nalalabi pang mga sinaunang bomba na hindi pa nadidiskubre sa nabanggit na brgy. na posibleng malagay sa panganib ang mga residente kapag ito ay sumabog. (Ulat ni Melchor Caspe)

BARANGAY CHAIRMAN ROY CHUA

BLISS SAGKAHAN

CARIAGA

CHUA

EXPLOSIVE ORDINANCE DISPOSAL UNIT

HAPONES

LEYTE

MELCHOR CASPE

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with