Batay sa pag-eeksamin ng DOH, na ang shellfish products at mga sample ng tubig na nakuha sa Masinloc water sa Zambales; Mandaon at Milagros waters sa Masbate; Dumaguillas Bay sa Zamboanga del Sur at Balite Bay sa Davao Oriental ay natuklasan na positibo sa red tide.
Kaya naman nagpalabas ng kautusan ang Red Tide Task Force ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources (BFAR) na ipagbawal sa nasabing mga lalawigan ang pag-angkat ng kanilang mga shellfish products tulad ng tahong.
Subalit ayon naman sa Task Force na negatibo sa red tide ang Manila Bay at ligtas na kainin ang mga shellfish products na kinukuha dito.
Natuklasan ding ligtas kainin ang mga shellfish products na makukuha sa Malampaya Sound sa Palawan, Banago waters sa Bacolod, Victoria waters sa Negros Occidental,Saplan Bay at Tinagong Dagat sa Capiz, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar sa Calbayog City; Cancabato Bay sa Tacloban City, Illana at Sibuguey sa Zamboanga del Sur at Taguines Lagoon sa Camiguin Island. (Ulat ni Mayen Jaymalin)