Ayon sa mga nakapanayam ng PSN, bagaman sinasabi sa ulat na si Rodriguez ay nagkasala ay hindi naman maitatatwa ang mga magagandang nagawa nito sa lalawigan sa loob ng kanyang 10 taong panunungkulan bilang gobernador.
Si Rodriguez ay sinasabing idineklarang patay ang kanyang asawang si Imelda at biyenan upang makakuha ng koleksyon na US $120,000 sa isang Insurance Company sa US noong 1985.
Sinabi ni G. Ariel Mañalac, Area Manager ng Asia Brewery at isa sa malapit na kaibigan ni Rodriguez na isang maliwanag na harassment at may halong pulitika ang ginawang pag-aresto dito.
Matagal na umanong ginagawang isyu ng mga kalaban ni Rodriguez sa pulitika ang tungkol sa insurance fraud, subalit ito ay palaging nahahalal at ang pagkabigo lamang ay nitong May 2001 Elections kung saan ay muling inungkat ng kanyang kalaban sa governatorial seat na si Governor Wilfrido Enverga ang naturang kaso. (Ulat ni Tony Sandoval)