Hinostage na barangay kagawad, 3 pa nailigtas
September 8, 2001 | 12:00am
Makalipas lamang ang mahigit dalawang oras, nailigtas ng mga operatiba ng militar ang isang brgy. kagawad at tatlo pa nitong kasamahan na hinostage ng tinatayang 20 miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Maigo, Lanao del Norte, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Kinilala ang naligtas na si brgy. kagawad Lanto Mutia at tatlo pa nitong kasamahan na di tinukoy ang mga pangalan.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong 11 ng umaga nang biglang sumulpot ang 20 rebeldeng MILF sa pamumuno ni Macaslag Dipatuan alyas Commander Macaslang sa Brgy. Madaya Maigo ng nasabing lalawigan kung saan ay hinarang ang isang truck na minamaneho ni Jimmy Calopez at hinostage ang mga lulang biktima.
Napag-alaman na ang mga biktima ay patungo sa kanilang bukirin ng harangin ng mga suspek.
Agad na kinaladkad ng mga suspek na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril ang mga biktima patungo sa direksiyon ng kagubatan.
Gayunman, habang naglalakad ang grupo ng mga rebelde ay nagawang makatakas ni brgy. kagawad Mutia matapos magpaalam na iihi lamang.
Hindi na nag-aksaya ng pagkakataon si Mutia at nagtatakbo ito hanggang makarating sa kapatagan at ipagbigay-alam sa tropa ng Armys 26th Infantry Battalion (IB) ang insidente.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang militar at ng masabat ang grupo ng mga kidnappers ay napilitan ang mga itong abandonahin ang tatlo pang mga biktima sa takot na paputukan pa sila ng mga sundalo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am