4 katao timbog sa holdap
September 5, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Apat na magkakabarkadang lalaki ang isa-isang naaresto ng pulisya matapos na holdapin ng mga ito ang isang taxi driver at tangayin pa ang sasakyang Tamaraw FX nito, kamakalawa ng gabi.
Ang mga naarestong suspek ay sina Freddie, 19, may-asawa; mga kapatid niyang sina June Reuben, 16, kapwa residente ng Central Inarawan, Brgy. Inarawan, Antipolo; Jonathan, 17, ng Magat Salamat St., Trisha Homes, Marikina City at si Bayani Lim, 19, vendor, ng Sitio Lukban, Brgy. Dela Paz, Antipolo.
Sa ulat ng pulisya, biniktima ng mga suspek si Danilo Quijano, 27, taxi driver, ng St. Anthony 1, Brgy. Inarawan, Antipolo noong nakaraang Martes ng gabi.
Sumakay ang mga suspek sa Tamaraw FX (PXR-476) na minamaneho ni Quijano sa may Marikina City at nagpahayag ng holdap nang makarating sila sa may Marcos Highway, Antipolo.
Tinangay ng mga suspek ang maghapong kinita ni Quijano bago ito pinababa sa sasakyan at tangayin ang FX taxi. Dahil sa hindi masyadong bihasa ang mga suspek sa pagmamaneho, naibangga ng mga ito ang taxi sa isang pader sa may Sitio Pintong Bocaue, Brgy. San Juan kaya iniwan na lamang nila ito.
Nagsagawa naman ng operasyon ang pulisya at unang nadakip si Jonathan Mollasco sa bahay nito at itinuro ang kanyang mga kapatid at kasamahan.
Kasalukuyang nakaditene sa PNP detention cell ang mga suspek dahil sa kasong robbery habang hinihintay pa ang ibang mga nabiktima nila sa kahabaan ng Marcos Highway. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest