^

Probinsiya

15 MILF todas sa military encounter

-
Tinatayang aabot sa labinlimang miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang iniulat na nasawi habang dalawang sundalo ang malubhang nasugatan sa naganap na sagupaan ng tropa ng militar sa masukal na kagubatan ng Sitio Nimao malapit sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Sinabi ni Army Major Julieto Ando, nagpadala ang militar ng isang batalyon ng sundalo sa nabanggit na lugar noong nakaraang Sabado upang mamagitan sa nagsasagupaang dalawang angkan ng Muslim subalit nakasagupa nito ang isang grupo ng armadong Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaya napilitan na ring gumanti ang tropa ng pamahalaan.

Kaagad namang nasawi ang may 15 MILF rebels habang dalawa sa tropa ng sundalo ang malubhang nasugatan makaraang magpadala ng helicopter gunships ang militar laban sa 80 rebeldeng pumasok sa naturang lugar noong Linggo.

Kinumpirma naman ni MILF spokeman Eid Kabalu na pinasok ng rebeldeng MILF ang nabanggit na sitio at nakasagupa ang tropa ng militar subalit walang ibinigay na napatay sa kanilang panig.

"Umaabot naman sa 80 pamilya ang nagsilikas upang hindi maipit sa sagupaan," pahayag pa ni Ando sa mga mamahayag.

Kinondena naman ni Kabalu ang pagsalakay ng tropa ng militar at nanawagan na igalang ang kasalukuyang tigil-putukan.

Isa sa angkan ay may kamag-anak mula sa MILF habang ang kabilang angkan naman ay mula sa Moro National Liberation Front (MNLF). (Ulat ni Joy Cantos)

ANDO

ARMY MAJOR JULIETO ANDO

DATU PIANG

EID KABALU

ISA

JOY CANTOS

KAAGAD

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SITIO NIMAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with