^

Probinsiya

Mayor na nambastos ng 2 reporters, kinasuhan

-
LUCENA CITY – Pormal na sinampahan ng kasong physical injuries at abuse of authority ang isang alkalde sa bayan ng Pagbilao ng dalawang lokal reporters makaraan ang ginawang pambabastos at pananakit sa mga biktima noong Biyernes matapos na maganap ang isinagawang paglusob ng NPA rebels sa PNP detachment sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang mga nagreklamong biktima sa Quezon PNP Provincial Office na sina Joey Perlas at Kid Maas, na pawang cameraman at reporter ng Channel 8.

Samantala, ang kinasuhan naman ay si Pagbilao Mayor Romar Portes.

Si Perlas ay hinampas umano ng armalite na hawak ni Mayor Portes habang si Maas naman ay pinitsarahan saka itinulak papalabas ng himpilan ng pulisya dahil nairita umano sa pagtatanong ng dalawa.

Sinigawan pa umano ang mga biktima ni Mayor Portes ng maanghang na salita na may kaugnayan sa paglusob ng NPA rebels sa naturang PNP detachment.

Kasunod nito, kinondena naman ng mga samahan ng mamamahayag na kinabibilangan ng Camp Nakar Press Corps, Lucena Tri-Media Group, Quezon Media Group ang ginawa ni Mayor Portes sa kanilang dalawang kasamahang reporters.

Pormal din magsasampa ng reklamo ang 2 reporters laban kay Mayor Portes sa pamunuan ng National Press Club (NPC) at kay DILG Secretary Joey Lina upang lapatan ng kaukulang parusa. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

CAMP NAKAR PRESS CORPS

JOEY PERLAS

KID MAAS

LUCENA TRI-MEDIA GROUP

MAYOR PORTES

NATIONAL PRESS CLUB

PAGBILAO MAYOR ROMAR PORTES

PORMAL

PROVINCIAL OFFICE

QUEZON MEDIA GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with