PNP detachment nilusob ng NPA: Pulis, amasona napa
September 2, 2001 | 12:00am
CAMP NAKAR, Lucena City Nilusob ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang PNP detachment sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon na malapit lamang sa Camp Guillermo Nakar na nagresulta sa pagkamatay ng isang pulis, amasona at pagkakasugat ng isa pang pulis na naka-duty sa naturang detachment kamakalawa ng hapon, ayon sa ulat na tinanggap ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).
Kinilala ni Supt. Roberto Rosales, QPPO director, ang napatay na pulis na si SPO1 Nestor OReilly, miyembro ng Task Force Calabarzon, habang ang nasawing amasona na iniwan ng mga NPA sa isang damuhan na may 100 metro ang layo sa detachment ay kinilala sa pangalang Ka Nancy.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Lucena Doctors Hospital sanhi ng tinamong tama ng punglo sa kaliwang kamay si SPO1 Alejandro Sario.
Batay sa ulat ng pulisya, isinagawa ng mga rebeldeng NPA sa ilalim ng Melito Glor Command ang pag-atake sa Task Force Calabarzon PNP detachment dakong alas-4:30 ng hapon.
Sakay umano ng isang dump truck at dalawang jeepney ang mga NPA na hinihinalang dumaan sa Brgy. Bigo na sakop ng Pagbilao, Quezon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended