^

Probinsiya

Rodriguez, Rizal bagong landfill ng MMDA

-
Nakahinga na nang maluwag si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benjamin Abalos Sr. matapos na mabigyan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng environmental compliance certificate ang limang ektaryang lupain sa Rodriguez(dating Montalban), Rizal upang magamit bilang sanitary landfill ng Metro Manila.

Sinabi ni Abalos na pansamantalang mareresolbahan na ngayon ang malalang problema sa basura ng Metro Manila sa paggamit ng lupain sa Rodriguez na tinatawag nilang ‘engineered landfill’.

Dadaan umano ang mga basura mula sa lugar ng Payatas dumpsite sa Quezon City na may isang tulay na nagkukonekta sa lungsod sa bayan ng Rodriguez.

Inihayag din nito na wala naman pagtutol si Rodriguez Mayor Pedro Cuerpo sa pagtatapon ng may 6,000 toneladang basura kada araw.

Sinabi naman ni Prof. Eleazar Kasilag, spokesman ng Federation of Association of Homeowners of Antipolo (A-Homes) na magsasagawa muli sila ng barikada sa Marcos Highway kapag dito nila idadaan ang mga basura.

Sa kabila ng bagong dumpsite, sinabi ni Abalos na mahigpit pa rin umano nilang ipatutupad ang segregation scheme ng MMDA sa basura upang hindi agad mapuno ang lupa sa Rodriguez. (Ulat ni Danilo Garcia)

ABALOS

CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS SR.

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ELEAZAR KASILAG

FEDERATION OF ASSOCIATION OF HOMEOWNERS OF ANTIPOLO

MARCOS HIGHWAY

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

RODRIGUEZ MAYOR PEDRO CUERPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with