^

Probinsiya

5 katao kritikal sa ambus ng NPA

-
Lima katao ang malubhang nasugatan kabilang ang apat na empleyado ng Department of Agriculture (DA) makaraang pagbabarilin ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sinasakyang owner type jeep ng mga biktima sa magubat na bahagi ng Cabugao, Ilocos Sur, kamakalawa.

Gayunman, sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, kabilang sa mga nasugatan ay isang tinukoy lamang sa pangalang Castillo ng Treasury Office habang kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng apat na empleyado ng DA.

Naitala ang pananambang dakong alas-2:30 ng hapon sa magubat na bisinidad ng Brgy. Catucdaan, Cabugao ng nasabing probinsiya.

Kagagaling lang umano ng mga biktima sa Brgy. Mardudon, Cabugao matapos dumalo sa pagbabakuna ng mga baka at iba pang hayop kaugnay ng pagbisita sa Brgy. Cabugao Mayor Dioscaesar Suero kasama ang pitong police escorts ng opisyal.

Natigil lamang ang pamamaril ng mga suspek matapos na mapagtantong nagkamali sila ng target na mabilis na nagsitakas patungo sa kagubatan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BRGY

CABUGAO

CABUGAO MAYOR DIOSCAESAR SUERO

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

TREASURY OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with