Pumatay sa Irish priest tukoy na
August 30, 2001 | 12:00am
Tukoy na ng mga awtoridad ang kidnap-for-ransom (KFR) group na responsable sa pagpaslang sa Irish priest na si Fr. Rufus Halley na walang awang pinagbabaril nang manlaban sa mga kidnappers, kamakalawa ng hapon sa Malabang, Lanao del Sur.
Sa pinakahuling ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, ang mga kidnappers ay natukoy na mula sa grupo ng separatistang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Base sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Malabang Municipal Police Station (MPS), ang biktima ay binaril mismo ng grupo ni Akto Daing, anak ni MILF Commander Sumagayan.
Lumilitaw sa imbestigasyon na ang grupo ni Daing ay sangkot sa serye ng kidnap-for-ransom (KFR) sa Lanao del Sur at iba pang karatig lalawigan.
Napag-alaman na si Fr. Halley, nasa late 40s ng Our Lady of Peace Church mula sa Columbian missionary ay may 20 taon ng naglilingkod sa bayan ng Malabang.
Ang dayuhang pari ay kasalukuyang pabalik sa pinagsisilbihan nitong simbahan lulan ng kaniyang motorsiklo mula sa pakikipagdiyalogo sa mga residente ng Balabagan ng harangin ng mga armado at maskaradong kidnappers sa Diamaro District dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa.
Magugunita na noong taong 1997 ay kinidnap rin ng mga rebeldeng Moro ang Columbian priest mula sa Ireland na si Fr. Desmond Hartford sa Kolambugan, Lanao del Norte pero pinalaya rin matapos ang negosasyon.
Kasunod nito, inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang militar at pulis na puspusang tugusin ang mga pumaslang kay Irish priest Father Rufus Halley.
Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs na ipaliwanag sa Irish embassy ang naturang karumal-dumal na insidente. (Ulat nina Joy Cantos at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended