^

Probinsiya

Chief of police todas sa ambus

-
Isang hepe ng pulisya sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay pasakay ng kanyang owner type jeep sa harapan ng sariling bahay sa Brgy. Labangan, Poblacion ng nasabing bayan, kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa St. Magdalene Hospital ang biktimang si P/Supt. Winston Ebersole na magreretiro na sa darating na buwan ng Oktubre 16, 2001.

Sa ipinarating na ulat kahapon ng Occidental Mindoro Provincial Police Office (PPO) sa Camp Crame, lumalabas na bandang alas-8:15 ng umaga nang maganap ang pananambang sa biktima.

Ayon pa sa ulat, papasakay na ng kanyang jeep ang biktima upang magtungo sa himpilan ng pulisya na kanyang pinaglilingkuran nang biglang sumulpot na lamang ang mga rebelde.

Si Ebersole ay pinagbabaril ng malapitan ng mga NPA rebels at upang makasiguro ay pinaputukan pa ito sa ulo at dibdib.

Tumakas sa hindi nabatid na direksyon ang mga rebelde sa pamamagitan nang hinarang na tricycle.

Bagaman nag-iwan ng palatandaan na grupo ng liquidation squad ng mga rebelde ay sinisilip din ng pulisya kung may bahid na pulitika ang pagpatay kay Ebersole.

Matatandaang naging saksi si Ebersole sa naganap na patayan ng dalawang kilalang angkan at magkalabang pulitiko sa naturang lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

CAMP CRAME

EBERSOLE

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

OCCIDENTAL MINDORO

OCCIDENTAL MINDORO PROVINCIAL POLICE OFFICE

SAN JOSE

SI EBERSOLE

ST. MAGDALENE HOSPITAL

WINSTON EBERSOLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with