6 mangingisda minasaker ng mga pirata
August 29, 2001 | 12:00am
ZAMBOANGA Anim na mangingisda ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga pirata habang ang mga biktima ay nakasakay sa dalawang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Alicia, Zamboanga del Sur noong nakaraang Linggo.
Ayon sa ulat na isinumite kay Regional PNP Director P/Sr. Supt. Julmunier Jubail, natagpuan ng mga kasamahang mangingisda ang mga bangkay ng biktima na lulan ng dalang bangka at maraming tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, inaalam pa ng pulisya ang mga pangalan ng biktima na natagpuan sa dalawang bangka na walang makina na hinihinalang tinangay ng mga pirata.
"Mga pirata sa karagatan ang pangunahing problema sa southern Mindanao region katulad ng grupo ng separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at armadong grupo ng bandido", ani Jubail.
Nangako naman ang mga residente ng nabanggit na bayan na makikipagtulungan sila sa pulisya laban sa mga pirata. (Ulat ng Associated Press)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am