^

Probinsiya

Dating Barangay Chairman itinumba ng NPA

-
MATINOG, Sorsogon – Isang dating brgy. captain na responsable sa pagre-recruit ng mga kalalakihan upang maging CAFGU ang binistay ng bala ng baril ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanilang bahay sa Barangay Pawa ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isabelo Barbecho II, 56, may asawa, nakatatandang kapatid ni dating 2nd Infantry Battalion Commander Col. Isabelo Barbecho III ng Phil. Army na nakabase sa Juban, Sorsogon.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na naganap ang krimen dakong alas-11 ng umaga at may teorya ang pulisya na pinaghigantihan lamang ng mga rebelde ang biktima sa ginawa nitong pagre-recruit ng mga kalalakihang upang maging CAFGU na ilalaban sa mga NPA. (Ulat ni Ed Casulla)

BARANGAY PAWA

ED CASULLA

INFANTRY BATTALION COMMANDER COL

ISABELO BARBECHO

ISANG

JUBAN

KINILALA

LUMALABAS

NEW PEOPLE

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with