Rapist ng 8 kababaihan nasakote

LEGASPI CITY – Naaresto kamakalawa ng umaga ng mga miyembro ng Legaspi PNP ang ikalawang most wanted person na may mga kasong rape makaraang salakayin ang pinagkukutaan ng akusado sa Brgy. Buragwis ng nabanggit na lungsod.

Si Odie Lovino, 21, binata, jobless ay nasakote ng pulisya bandang alas-10 ng umaga matapos ang isang linggong pagtitiktik at impormasyon nakalap ng pulisya.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na si Lovino ay may walong kaso ng rape na nakabinbin sa korte kaya pagpalabas ng warrant of arrest si Judge Romeo Danao ng RTC Branch 1 ng Legaspi City. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments