Kinilala ng pulisya ang suspek na si Anthony Yalong, 17, ng Purok 2, Brgy. San Juan ng naturang lugar.
Samantala, ang biktima na sinamahan ng ina na dumulog sa himpilan ng pulisya upang magreklamo ay itinago sa pangalang Cheska, isang grade 6 pupil ng Mulawin St., Brgy. Bitas ng nabanggit na lalawigan.
Napag-alaman sa salaysay ng biktima na isinumite sa pulisya, naganap ang pangyayari bandang alas-5 ng hapon nang yayain ng suspek ang biktima na magpalipas na lamang ng gabi sa kanilang bahay subalit lingid sa kaalaman nito ay may maitim na balak. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)