^

Probinsiya

Opisina ng bishop ninakawan

-
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya — Tinayang aabot sa halagang P.1 milyon ari-arian ang tinangay ng mga magnanakaw mula sa opisina ng isang bishop sa bayang ito noong Biyernes ng umaga.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na pinutol ang barb wire na nagsisilbing bakod saka pumasok ang mga magnanakaw sa likurang bahagi ng opisina ni Bayombong Bishop Ramon Villena.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, tinangay ng mga magnanakaw ang isang laptop, aircondition, video cassette player/recorder, electronic typewriter at manual typewriter.

Nadiskubre ni Jimmy del Rosario, driver at aide ni Bishop Villena ang pangyayari bandang alas-6 ng umaga habang siya ay naglalagay ng mga ilaw sa ilang bahagi ng gusali.

Ayon naman sa isang empleyado ng diocesan office na si Analyn Aniceto, isang hindi kilalang lalaki ang ibig makita ang bintana ng bishop dahil gusto raw nito na maging katulad ng gagawing bintana nila ng bahay.

May teorya naman ang pulisya na mahigit sa dalawang magnanakaw ang pumasok sa nabanggit na lugar base na rin sa nadiskubreng footprints at fingerprints. (Ulat ni Charlie Lagasca)

vuukle comment

ANALYN ANICETO

AYON

BAYOMBONG BISHOP RAMON VILLENA

BISHOP VILLENA

BIYERNES

CHARLIE LAGASCA

NADISKUBRE

NAPAG

NUEVA VIZCAYA

TINAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with