Ito ang naging pahayag ng mga imbestigador subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi maantala ang isinasagawang operasyon sa hindi binanggit na lugar.
Nabatid din sa ulat ng pulisya na ilan din sa mga nakasaksi sa pananambang kay Dennis Ramos, 36, ng Brgy. San Nicolas I ang nagbigay na ng cartographical sketch ng mga suspek sa National Bureau of Investigation (NBI) upang itugma ang mga larawan sa mga nakilalang suspek.
Dalawang anggulo ang masusing sinisiyasat ng pulisya sa pagkakapatay kay Ramos, isa rito ay ang pagkakasangkot nito sa ipinagbabawal na gamot at ang pagbubulgar nito sa kanyang column laban sa mga kalabang pulitiko bago pa sumapit ang May 14 elections.
Magugunitang si Ramos ay tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang papalabas ng isang eskinita sa Brgy. Zapote 4, Bacoor, Cavite bandang alas-11 ng umaga.
Napag-alaman pa na si Ramos ay bumisita lamang sa kanyang ninong sa kasal na si Angel "Bulag" Torres bago magtungo sa isang coffee shop sa SM Bacoor upang makipagkita sa isang hindi kilalang kaibigan. (Ulat nina Mading Sarmiento at Cristina Go-Timbang)