^

Probinsiya

Pumatay sa PR man ni Bong, kilala na

-
BACOOR, Cavite — Kinumpirma kahapon ng pulisya na kilala na ang apat na kalalakihang pumatay sa isang lingguhang tabloid reporter-columnist at PR man ni dating Cavite Gov. Bong Revilla, Jr.

Ito ang naging pahayag ng mga imbestigador subalit pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi maantala ang isinasagawang operasyon sa hindi binanggit na lugar.

Nabatid din sa ulat ng pulisya na ilan din sa mga nakasaksi sa pananambang kay Dennis Ramos, 36, ng Brgy. San Nicolas I ang nagbigay na ng cartographical sketch ng mga suspek sa National Bureau of Investigation (NBI) upang itugma ang mga larawan sa mga nakilalang suspek.

Dalawang anggulo ang masusing sinisiyasat ng pulisya sa pagkakapatay kay Ramos, isa rito ay ang pagkakasangkot nito sa ipinagbabawal na gamot at ang pagbubulgar nito sa kanyang column laban sa mga kalabang pulitiko bago pa sumapit ang May 14 elections.

Magugunitang si Ramos ay tinambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang papalabas ng isang eskinita sa Brgy. Zapote 4, Bacoor, Cavite bandang alas-11 ng umaga.

Napag-alaman pa na si Ramos ay bumisita lamang sa kanyang ninong sa kasal na si Angel "Bulag" Torres bago magtungo sa isang coffee shop sa SM Bacoor upang makipagkita sa isang hindi kilalang kaibigan. (Ulat nina Mading Sarmiento at Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BACOOR

BONG REVILLA

BRGY

CAVITE

CAVITE GOV

CRISTINA GO-TIMBANG

DENNIS RAMOS

MADING SARMIENTO

RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with