^

Probinsiya

NPA leader, 4 tauhan sumuko

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) at apat nitong tauhan na kumikilos sa Mindoro Island ang sumuko sa militar dahil sa dinaranas sa kabundukan sa Sitio Cavilian, Bgy. San Juan, Bulalacao, Oriental Mindoro, ayon sa report ng Southern Luzon Command (SOLCOM).

Kinilala ang mga nagsisukong sina Franklin Famini, alyas Manny, team leader, Nick Det-ag alyas Rolly, vice squad leader, Gerin- Det-ag alyas Felix, Herman Villegas alyas Poctor at Orbin Pamor.

Inamin ng mga rebelde na ang kanilang pagsuko sa militar ay dahil sa hirap na dinaranas sa kabundukan habang ang kanilang lider sa kilusan ay nagpapasarap sa ibang bansa.

Sinabi rin nito na hindi nila masikmura ang kanilang ginagawang extortion sa mga maliliit na mamamayan para lamang makalikom ng pondo ang kilusan.

Sinabi ni Lt. Col. Danilo Fabian, hepe ng civil military operation na isasailalim nila ang mga nagsisukong rebelde sa Department of National Defense-Armed Force of the Philippines Balik-Baril Program. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

DANILO FABIAN

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE-ARMED FORCE OF THE PHILIPPINES BALIK-BARIL PROGRAM

FRANKLIN FAMINI

HERMAN VILLEGAS

LUCENA CITY

MINDORO ISLAND

NEW PEOPLE

NICK DET

ORBIN PAMOR

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with